Ramona Revilla nasa wanted list na ng Interpol

KASAMA na ang pangalan ni Maria Ramona Belen Bautista, kapatid ng pinaslang na si Ramgen Revilla sa talaan ng wanted persons sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na tinutugis ng batas.

Ito ang inihayag ni Atty. Argee Guevarra, abogado ni Janelle Manahan matapos katigan kanina ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 ang kanilang hirit na makansela na ang pasaporte ni Ramona na kasalukuyang nasa Turkey.

Sinabi ni Guevarra na bagama’t walang extradition treaty ang Pilipinas sa Turkey, maaari nilang hilingin kay Pangulong Benigno Aquino III na hilingin sa gobyerno ng naturang bansa na ipatapon pabalik si Ramona upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagkakapaslang sa kanyang kapatid at malubhang pagkasugat ni Manahan.

Kanina ay kinatigan ni Judge Madrona ang hirit ng mga abogado ni Manahan na aprubahan ang inihain nilang mosyon na maisailalim sa hold departure order (HDO) ang mga akusado sa nangyaring krimen kahit nakapiit na ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Guevarra na ang pagkakalagay ni Ramona sa talaan ng Interpol sa mga wanted person ay nangangahulugan lamang na kahit saan siya magtungong  bansa na walang extradition ang Pilipinas ay patuloy siyang imo-monitor.

Sa oras aniya na magtungo si Ramona sa bansang may extradition treaty ang Pilipinas, kaagad siyang ipatatapon pabalik ng bansa.

Kaugnay nito’y kinasuhan naman ng perjury o pagsisinungaling ng abogado ni Hiro Furuyama, isa rin sa mga inaakusahang sangkot sa krimen at mister ni Gail Bautista na kapatid ng napaslang ang mga abogado ni Manahan dahil sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa krimen.

Inihain ni Atty. Gerardo Alberto ang kaso sa paniwalang nagsinungaling ang abogado ni Manahan nang idawit ang kanyang kliyente sa krimen gayung hindi naman kabilang ang mag-asawa sa mga nasasangkot batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply