Reaksyon ng taumbayan kaugnay sa impeachment

PARA sa patas na pamamahayag ay bigyan natin ng daan itong isang reaksyon mula sa ating reader.

Good am Sir Johnny.

Nabasa ko po yung kolum niyo sa REMATE tungkol kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang akin lang po ay ‘unfair’ para kay Supreme Court Chief Justice ‘yung mga pinalalabas sa media.

Kung tutuusin, mas  maraming sablay ang prosekusyon.

Hindi po ako bihasa sa batas at hindi rin po ako nagdudunung-dunungan gaya ng iba pagdating sa batas.

Pero sa napanonood at napakikinggan ko, maraming kapalpakan ang prosekusyon na dapat ay ipina-publish din ng media.

‘Yun lamang.

Maraming salamat.

Eto pa ang isang reaksyon ng ating reader at  basahin po uli natin.

Sana nandito ka, Mr. Johnny Magalona, para makita mo kung gaano karami ang sumusuporta kay CJ Corona kaya kalokohan yung malaman ng taumbayan  ang katotohanan.

Eto ang katotohanan: walang kasalanan si CJ Corona.

Salamat po.

SUGALAN SA LAGUNA (2)

Sa Laguna ay hindi pa rin napatitigil ang talamak na operasyon ng mga lotteng ng mga GL dito.

Patuloy pa rin na inooperate ito nina Ronel sa Biñan at si Edwin alyas Tose naman sa San Pedro.

Kung magagawi naman kayo sa bayan ng Calamba ay patuloy naman na namamayagpag ang operasyon ng lotteng ni Engel na kanya namang ipino-front sina Roy at Egay.

Hindi ko lang alam  kung  kakilala o may ‘go-signal’  ng mga police official ng Laguna itong isang alyas Jojie  ng San Pedro na  ipinango-ngotong sila sa mga nasabing mga lottengista sa lalawigan at sa buong rehiyon ng Katagalugan.

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply