Real battle ng SC at lehislatura simula na- solons

MASUSUBUKAN ang katatagan ngayon ng impeachment court kasunod ng paghingi ng temporary restraining order (TRO) ng depensa at ng Philippine Savings Bank (PSBank) kaugnay sa subpoena na iharap sa paglilitis ang mga bank accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay House Majority Floorleader Neptali “Boyet” Gonzales “this is the real battle.”

Binigyang diin ni Gonzales na sa simula pa lamang ay malinaw na ang isinasaad ng batas at ilang beses ding binanggit ni Presiding Judge Juan Ponce-Enrile na ang Senado lamang ang may tunay na hurisdiksyon sa impeachment.

“Iyon ang problema, it will test the resolve of the Senate or even the assumption. Siyempre sasabihin ng defense na bago natin pag-usapan, let the Supreme Court resolve it first,” ayon kay Gonzales.

Sa panig naman ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, isa sa 11 prosecutors, sinabi niya na kapag nagpalabas ng TRO ang Supreme Court sa bank accounts ni Corona ito ay mangangahulugan ng totoong constitutional crisis.

“It is really a clash. May constitutional crisis kapag pinigilan ng Korte Suprema ang kautusan ng impeachment court ukol sa ipinalabas na subpina para sa mga opisyal at dokumento ng PSBank at BPI upang maiharap sa paglilitis ang bank accounts ni Corona.

“When an impeachment case filed in the senate, the Senate will have its sole jurisdiction. Sila lang ang may kapangyarihan.

Sakaling hindi naman sundin ng PSBank ang kautusan ng Senado ay siguradong mahaharap ito sa contempt.

Sinabi nina Gonzales at Tugna na kapag na-contempt ang PSBank ay maaaring patawan ng pagkakulong o multa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply