Recall sa Phl ambassador sa Argentina ipinaubaya sa DFA

IPINAUBAYA ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdesisyon sa resolusyong ipinasa ng Senado na i-recall si Philippine Ambassador to Argentina Rey Carandang matapos atakehin ang Filipino boxer na si Johnreil Casimero sa laban kay Argentinian fighter Luis Alberto Lazarte,

Nasungkit ni Casimero ang titulong IBF super-flyweight interim kay Lazarte sa naging laban ng dalawa na ikinagalit ng supporters ng huli.

“Let me reiterate that we were concerned about what happened. However, with the passage of this resolution, we will defer to the action to be taken by the DFA in light of the resolution that was passed by our senators,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte..

At kung ie-endorso ng Malakanyang ang hirit ng Senado ay sinabi ni Usec. Valte na kailangan munang pag-aralan ang bagay na ito.

“[Let us] order the DFA to recall our ambassador to Buenos Aires and to call the ambassador of Argentina to this country to explain why they have the [nerve] to assault our flag, the honor, the dignity of this country represented by our boxer [who] went to their country thinking that country is a civilized country,” ang naging pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na hihilingin naman nila sa International Boxing Federation (IBF) ang lahat ng promoters sa Argentina sa lahat ng IBF-sanctioned bouts.

“Will we settle for this kind of bullying to Filipinos? We must condemn in the strongest possible terms this attack on a Filipino sports hero and the entire Philippine delegation. An insult to the Filipino contingent is an insult to our country,” ang pahayag ni Senador Sotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply