Records officer ng Malakanyang muling tetestigo vs Corona

MULING ipapatawag ng prosekusyon sa susunod na linggo ang records officer ng Malakanyang para patunayan ang “closeness” diumano nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Chief Justice Renato Corona

Sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tañada, na hiniling na nila sa Senate Impeachment Court na maipatawag si Marianito Dimaandal para muling humarap sa pagdinig.

Si Dimaandal daw ang magbibigay-linaw sa appointment ni Arroyo kay Corona mula nang maging chief of staff ito hanggang maging punong mahistrado.

Bahagi aniya ito ng kanilang akusasyon sa ilalim ng Article 7 o pag-iisyu ng temporary restraining order (TRO) at Article 1 o ang pagkwestyon sa impartiality ni Corona at pagkiling sa mga kasong may kaugnayan kay Arroyo.

Pagkatapos ng Article 7, isusunod naman ng prosekusyon ang paglalatag ng Article 1.

Samantala, nilinaw naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na hindi na uungkatin pa ang paghirang ni Ginang Arroyo kay Ginang Christina Corona, ang maybahay ni CJ Corona bilang executive vice president ng Camp John Hay dahil sapat na aniya ang mga dokumentong naisumite sa impeachment court ukol dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply