Regional director ng HPG sinibak

NASIBAK sa puwesto ang Regional  Director ng Highway Patrol Group sa Rehiyon 12  dahil sa  pagamit ng nakaw na sasakyan.

Batay ulat, tinanggal sa kanyang pwesto si Police Senior Supt. Jaime Macarilay simula kahapon (Pebrero 28) at ito’y pinalitan ni Senior Supt. Romeo Campomares mula sa Rehiyon 8.

Ang pagpalit sa pwesto kay Macarilay ay upang mabigyang daan ang imbestigasyon matapos itong ireklamo dahil sa paggamit ng carnap vehicle sa kanyang opisina.

Sa ngayon ay nasa HPG National Office na si Macarilay para sa karagdagang imbestigasyon habang nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng HPG sa Rehiyon 12 matapos na makatanggap ng impormasyon na maraming carnap vehicle ang nakapasok sa naturang rehiyon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply