Rehabilitasyon sa Rice Terraces sisimulan na

SISIMULAN na ngayong buwan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng P30 milyon na ilalaan sa rehabilitasyon at pagsasaayos sa mga nasirang bahagi ng makasaysayang Ifugao Rice Terraces.

Kabahagi ng pondo ay manggagaling sa tanggapan si Sen. Francis Pangilinan bilang tulong sa proyekto ng DA.

Ito ang binigyang katiyakan ni DA Assistant Secretary and National Rice Program Coordinator Dante S. de lima matapos ang pakikipagpulong kay Ifugao Governor Eugene Balitang, isinagawa sa tanggapan ng DA Central Office sa Quezon City.

Ani de lima magpapadala na sila ng technical team para sa isasagawang mapping ng gagawing plano para sa mga bahagi ng rice terraces na winasak ng bagyo sa mga lugar ng Batad sa Ifugao, kinukunsidera ng UNESCO na World Heritage Site at kinikilala sa buong mundo bilang napakahalagang Agricultural Heritage Systems.

Dagdag pa nito na nakahanda aniya ang tanggapan ng National Rice Program para sa inisyal na paglalabas ng P1 milyon para maumpisahan na ang restorasyon sakaling maantala ang pagpapalabas ng P20 milyon ng DA at P10 milyon ng tanggapan ni Senator Pangilinan.

Kabilang sa gagawing restorasyon ay ang paghihilera sa mga gumuhong bato at paglalagay ng orihinal na boulders na sumusuporta sa katutubong irrigation system para sa taniman ng palay sa gilid ng kabundukan.

Kakailanganin dito ang may 300 hanggang 500 manggagawa na kukunin naman sa ilalim ng Department of Social Welfare at Development’s cash-for-work program.

Sinulatan na ni DA Sec. Proceso Alcala si Budget Sec. Florencio Abad para sa follow up sa hinihinging P20 milyon budget para sa proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply