Reklamo dumagsa sa balasubas na kompanya (2)

SA mga reklamong nakarating sa Lily’s Files ay sinasabi ng mga empleyado ng mga kompanyang nasa ilalim ng GLOBAL LINK na talagang balasubas ang mga ito.

Noong Enero 12 ng hapon ay nakausap ko sa telepono ang Manager ng MD Infoman Solutions Inc. na si Ms. Dolores  Nicdao, at nangako itong ibibigay sa mga empleyado ang kalahati ng 13th month pay sa katapusan ng buwan ng Enero ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin daw  natatanggap ang mga empleyado.

Maging sa Social Security System at PAGIBIG ay hindi pa rin daw sila makapag-loan dahil hindi nga naghuhulog ang mga kompanya na nasa ilalim ng GLOBAL LINK na pag-aari umano ng isang Intsik na si Mrs. Ma. Cecilia Mata Cucu Gonong.

Ayon sa mga nagrereklamong empleyado, marami  ang kompanya na nasa ilalim ng GLOBAL LINK  at mahigit umano sa 1,000 ang mga empleyado rito na binabawasan  ng SSS at PAGIBIG at hindi pa nakatatanggap ng kalahati ng kanilang 13th month.

Wow, malaki-laking pera  rin ito at kung totoo ang sinabi ni Ms. Dolores Nicdao na hindi sila nakasisingil ay papaano maibibigay ang kalahati sa 13th month pay ng mahigit sa 1,000 na  empleyado.

Hindi lamang ang SSS, PAGIBIG at 13th month ang inirereklamo ng mga empleyado.

Maging ang kanila umanong overtime pay ay hindi rin  nababayaran at marami pa na
kung iisa-isahin natin ay baka buong diyaryo ng REMATE  ay  kulangin pa.

Ilan sa mga empleyado  ay nagtungo na sa tanggapan ng SSS para ireklamo ang GLOBAL LINK ngunit  sinabi umano ng SSS na hindi sila maaring mag reklamo sa kanilang employer dahil pumirma  ang mga ito sa “condonation program”  ng SSS.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply