Reklamo dumagsa sa balasubas na kompanya (3)

HINDI lang ang SSS, PAGIBIG at 13th month pay ang reklamo ng mga empleyado laban sa GLOBAL LINK kundi maging ang kanila umanong overtime pay ay hindi rin nababayaran at marami pa na kung iisa-isahin natin ay baka buong diaryo ng  REMATE  ay  kulangin pa.

Ilan sa mga empleyado  ay nagtungo na sa tanggapan ng SSS para  ireklamo ang GLOBAL LINK ngunit  sinabi umano ng SSS na hindi sila maaring magreklamo sa kanilang employer dahil pumirma  ang mga ito sa “condonation program”  ng SSS.

Kaya naman pala ganito kalakas ang  loob ng mga employer na hindi mag-remit ng monthly contributions dahil  alam nilang  hindi sila mairereklamo ng kanilang mga empleyado dahil sa condonation program ng ahensya. Nangangahulugan ba ito na ang condonation program ay pumapabor lang  sa mga employer? Papano naman ang mga empleyado,  paano  ang kanilang karapatan? Dapat namang may programa rin ang SSS para sa mga empleyado.

Mrs. Mata, mam, kawawa naman po ang mga empleyado ninyo na gustong-gustong mag-apply ng loan sa SSS at umaasang  maibibigay na ninyo ang  kalahati ng kanilang 13th month pay.

May pamilya rin ang mga yan at sana lang, Mrs. Mata, tingnan niyo rin ang kalagayan ng inyong mga empleyado hindi yung sarili lang ang inyong iniisip.

Doon po sa mga nag i-email o kaya ay nagte-text sa inyong lingkod ay maaari lang pong ilakip ninyo ang telephone number ng inyong kompanya o dili kaya ay cellphone number ng may-ari nito.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang sa 0915-5683000  o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@-yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply