Relief mission inabot ng sakuna sa dagat: 80 katao nasagip

INABOT ng sakuna sa dagat ang may 80 katao miyembro ng relief mission na magdadala sana ng mga relief goods sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Western Visayas at bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat ngayon, nasiraan ang motorboat na kanilang sinasakyan sa gitna ng laot.

Sa report na inibahagi ni Navy Spokesman Marine Col Omar Tonsay, nagkukulamhog ang dalawang military helicopters at isang naval boat upang saklolohan ang may 80 katao na ilang oras ng nagpapalutang lutang sa karagatang sakop na ng bayan ng La Libertad, Negros Oriental matapos na mawasak ang propeller ng bankang sinasakyan nila.

Nabatid na galing ang relief mission sa bayan ng Ronda sa Cebu at papaunta sana ng La Libertad.

“We received reports that the boat is being carried by strong currents going northward to Guihulngan City,” ayon sa mensaheng nakarating sa Philippine Navy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply