Remate: Pinanday ng panahon

BILIB it or nat, naka-20 taon o nakadalawang dekada na palang naglilingkod kay Juan ang peborit ninyong diaryong ito, ang Remate.

Parang kailan lang yung pagbubuo nito para higit na magkaroon si Juan ng kakaibang putahe sa mga balita, kuro-kuro at iba pa ukol sa anomang bagay o pangyayari.

At yung kailan lang ay 20 taon o dalawang dekada na pala.

oOo

Op kors, parang karaniwang tao rin ang inyong diaryong Remate, Suki.

May panahon na nagkakasakit, nirarayuma, nagkaka-diabetes at tinatawag ni Lord.

Pero alam ba ninyong si Lord mismo ang tumatanggi na mamaalam sa lupa ang inyong diaryo?

Marami na ang diaryong ipinanganak at nabuhay kasabay ng Remate.

Ngunit naggudbay Pilipins na ang iba, pero itong diaryo ninyo ay nananatiling alayb en kiking.

Mas maraming panahon kasi itong masigla kaysa magkaroon ng karamdaman.

Kaya naman patuloy itong nabubuhay para magbalita ng napapanahon at magpahayag ng mga mensahe na mahahalaga kay Juan.

oOo

Itong si Boss Benny Antiporda ang nagbigay ng karagdagang sigla sa matatag ninyong tagapagbalita at tagabulong ng nais ninyong malaman.

Puno ito ng diwa kung paano mabubuhay ang Remate hanggang sa magkaubusan ang diaryo sa palengke at sa inyong mga pintuan sa tahanan at opis.

Lumikha ito ng kakambal at kawangis ng Remate, ang Remate Online, upang higit na lumawak ang pablik serbis nito.

Ngayon, pupuwede na ninyong ipaabot ang inyong mga balita, kaisipan at damdamin sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at KKK saan mang sulok ng daigdig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply