Resbak sa SC ipinaubaya ng M’cañang sa Senado

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Senado ang pagtugon sa naging desisyon ng Korte Suprema na pigilan ang pagsasapubliko ng foreign currency accounts ni Chief Justice Renato Corona na sentro ng paglilitis ngayon sa Senado.

“This is a defining moment for the Senate. We have always maintained that impeachment is the proper procedure for resolving questions of integrity and fitness for office. The framers of our Constitution clearly intended the Senate to be the sole authority in all matters related to an impeachment trial. The provisions of our Constitution clearly say so,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi pa rin ng opisyal na nananatili nilang pinanghahawakan ang isinasaad ng Saligang Batas na walang pakialam ang Korte Suprema sa impeachment trial na isinasagawa ngayon sa Senado.

At kapansin-pansin aniya na sa simula pa lamang ay nagpahayag na ng pagbabanta si Chief Justice Corona, ang mga abogado nito at legal defense counsel na uusbong ang constitutional crisis.

“Now, they have thrown down the gauntlet. While the supporters of the Chief Justice clearly lacked the numbers to go even further and try to stop the proceedings, the TRO handed down by the Court is a brazen effort to derail the proceedings,” aniya pa rin.

Simula pa aniya noon ay nagpahayag na ang Senado na gagawin nito ang lahat para maging maayos ang impeachment trial.

“The Senate has said before, that it will assert its prerogatives, and uphold its right to do its duty. The burden of history must be weighing heavily on the shoulders of the Senate. But it can look back to its history as the defender of the people’s liberty, and the enemy of autocracy to know where its duty lies,” anito.

Sa ulat, sa botong 8-5, hinarang ng Supreme Court (SC) ang pagsasapubliko ng foreign currency accounts ni Chief Justice Renato Corona na sentro ng paglilitis ngayon sa Senado.

Ang resolusyon ng kataas-taasang hukuman ay kaugnay sa isinampang petition for certiorari and prohibition ng bangkong PSBank para mapigilan ang impeachment court sa pagpapalabas ng subpoena laban sa mga bank records ng punong mahistrado.

Sa nabanggit na petisyon, inakusahan ng bangko ang impeachment court na may pagmamalabis sa kapangyarihan nito.

Batay sa umiiral na Foreign Currency Deposit Act, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagsasapubliko ng foreign currency bank accounts kung walang pahintulot mula mismo sa may-ari nito.

Ayon kay SC spokesman Jose Midas Marquez, kabilang sa mga bomoto pabor sa petisyon ay sina Justices Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Lucas Bersamin, Jose Perez, Martin Villarama, Jr., Roberto Abad, Beinvenido Reyes at Jose Mendoza.

Ang naghain naman ng dissenting opinion o pagtutol sa desisyon ay sina Justices Antonio Carpio, Maria Lourdes Sereno, Diosdado Peralta, Estela Bernabe at Mariano Del Castillo.

Una rito, nagpasaklolo na sa kanyang mga kapwa mahistrado sa Supreme Court (SC) si Corona para harangin ang nakaambang pagsilip ng impeachment court sa kaniyang mga bank accounts.

Sa inihaing petition for certiorari, hiniling ng depensa ni Corona sa kataastaasang hukuman na magbigay ng paliwanag sa mga bumabalot na usapin hinggil sa umiiral na bank secrecy law.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni defense team spokesperson Atty. Karen Jimeno na hindi nila layunin na ipabalam ang impeachment trial sa halip humihingi sila ng paliwanag kaugnay sa mga nakabinbing “questions of law.”

Sa hiwalay na pahayag, binanggit naman ni Atty. Tranquil Salvador, isa sa mga defense lawyers, na kanila ring hiniling sa SC ang pag-isyu ng temporary restraining (TRO) order laban sa ginagawang paglilitis kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply