Rescue operations sa Negros O pahirapan dahil sa aftershocks

NAAAPEKTUHAN ang isinasagawang search and rescue operations sa ilang lugar na may insidente ng landslide sa Negros Oriental partikular sa Guihulngan bunsod nang maya’t mayang pagkakaroon ng aftershock kung saan naitala ang muling pagyanig na may magnitude 4.2.

Sa ulat ng Phivolcs, muling niyanig ng magnitude 4.2 na lindol bago mag alas-9:00 ng umaga, Pebrero 8, ang nasabing lungsod na may lalim na isang kilometro habang intensity 4 sa Guihulngan, intensity 3 sa Tanjay, Negros Oriental; Kanlaon City intensity 2 maging sa Dumaguete City, La Carlota City, Negros Occidental at Iloilo City.

Ayon kay Office of Civil Defense Region 7 Director Minda Morante, sinabi nito na bigo silang makapagsagawa ng search at retrieval operation dahil sa malakas pa ring mga pagyanig habang patuloy ang pagbitak ng mga kalsada na kanilang daraanan.

Dagdag pa nito, kailangan muna nilang i-secure ang kanilang mga sarili lalo na ang response team na nagsasagawa ng operasyon para accounted ang lahat ng kanilang mga tauhan.

Hindi umano nila kailangan ang mga bayaning mamamatay ngayon dahil lubhang kailangan ang mga tumutulong sa mga biktima kung saan ayon sa kanya, mas mahirap ang rescue operation sa lindol kung ikukumpara sa mga pagbaha.

“Ang hirap gumalaw, talaga sa earthquake. Hindi makakagalaw ang response team natin kaya’t accounted muna namin ang mga rescuers natin. Hindi muna kailangan ang dead hero. Iba ang sitwasyon ng earthquake sa flooding,” ayon kay Morante.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply