Residential area nasunugan sa Navotas: bumbero pinagbabato, 14 sugatan

TINATAYANG 14 ang sugatan nang pagbabatuhin ang mga bumbero ng mga residenteng nasunugan bunsod umano ng matagal na pagrespunde ng mga ito sa Navotas City.

Ayon sa Navotas City PNP, kabilang sa nasugatan ang bomberong si SFO4 Jose Dugan na pinagbabato ng mga galit na residente habang may dalawa pang mga matatanda rin na hinimatay.

Kaugnay nito, nasa 15 mga kabahayan din ang natupok ng apoy o katumbas ng 100 pamilya na nawalan ng tirahan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa halaga ng pinsala at ang sanhi ng naturang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply