Respetuhin ang TRO ng SC – CBCP

DAPAT respetuhin ng Senado, Malakanyang at prosecution panel ang batas at igalang ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema na pumipigil sa planong paglalantad ng dollar account ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang panawagan ni Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod nang pagpapalabas ng Mataas na Hukuman ng TRO na humahadlang sa impeachment court na i-subpoena ang mga dollar account ng punong mahistrado dahil paglabag ito sa Republic Act 6426 o Foreign Currency Deposits.

Ayon kay Palma, may batas hinggil sa secrecy ng dollar account na hindi dapat labagin.

“There is a law of secrecy for dollar account.  I’m sure the Senate President will not give it anyway,” ayon kay Palma sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Giit pa ng CBCP president, academic para sa Senado o mga Senator-jurors na igalang ang TRO ng SC.

Sinegundahan naman ito ni Father Ranhillo Aquino, Dean ng San Beda College Graduate School of Law.

Ayon kay Aquino, tama at naaayon sa batas ang TRO ng Korte Suprema sa secrecy ng mga dollar account.

Nilinaw rin nito na kapangyarihan ng Korte Suprema na mag-review ng jurisprudence at magpasya kung nilalabag ang Saligang Batas.

Inihayag pa ni Aquino na walang magagawa ang Senado bilang impeachment court, gayundin ang prosecution panel at Malakanyang, kundi sundin ang kautusan ng Korte Suprema.

“Maiitsapuwera lamang ang RA 6426 ng sinuman kapag inamyendahan ang nasabing batas na mismong ang Kongreso ang nagpasa na kanilang kinukuwestiyon at ayaw sundin sa kasalukuyan. Ang Kongreso din ang may kasalanan sa nilalaman ng RA 6426, sila ang gumawa nito,” ani Aquino. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply