Resulta ng 2011 Bar exam ‘di ilalabas ngayong araw

HINDI ilalabas ngayong araw ang resulta ng 2011 Bar examination.

Ito ang kinumprima ni Supreme Court spokesman Midas Marquez.

Ani Marquez, posibleng ilabas sa susunod na linggo ang resulta ng eksaminasyon.

Magbibigay din aniya ng advisory ang Supreme Court Public Information Office, na maaaring sa Lunes, kung kailan ilalabas ang resulta.

Magugunitang, sa kauna-unahang pagkakataon idinaos ang Bar exam sa University of Santo Tomas noong Nobyembre 2011 kung saan 6,200 law graduates ang kumaha ng pagsusulit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply