Resulta ng Bar exam, iaanunsyo ng SC sa Miyerkules

NAKATAKDANG ianunsyo ng Korte Suprema ang paglalabas ng resulta ng Bar examination sa darating na araw ng Miyerkules, Pebrero 29, 2012.

Nabatid kay Court Administrator at Supreme Court (SC) spokesman Justice Jose Midas Marquez, ang resulta ng Bar exams ay isasapubliko dakong alas-2:00 ng hapon.

Nabatid na ito ang pinakamaagang pagsasapubliko ng resulta ng pagsusulit sa abogasya, makaraang palitan ang format ang eksaminasyon mula sa essay type patungong multiple choice.

Ayon pa kay Marquez, noong mga nakaraang taon ay inilalabas ang Bar exam results tuwing buwan ng Marso o bago isakatuparan ang summer session ng mga mahistrado sa Baguio City.

Umabot naman sa 6,200 na law students ang kumuha ng Bar exams noong 2011 na isinagawa sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply