Resulta ng Bar exam ilalabas ngayong linggo

NGAYONG linggo na  inaasahang ilalabas ang resulta ng mga pumasa sa 2011 Bar exam.

Ito ang kinumpirma ni  Associate Justice Roberto Abad, chairman ng 2011 Bar Examinations Committee.

Ayon kay Abad, nakatakdang magreport  sa  Supreme Court en banc  sa Martes ang Office of the Bar Confidant upang ipaalam na tapos ang checking ng test papers ng mga kumuha ng pagsusulit.

Bagamat hindi pa alam ang eksaktong araw  kung kalian ilalabas ang resulta ay  nakaugalian na aniyang ihayag ito sa full court session.

Isinagawa ang naturang pagsusulit noong Nobyembre sa University of Santo Tomas simula nang mailipat ito mula sa De La sale University sa Taft Avenue sa Maynila dahil na rin sa naganap na karahasan noong 2010 nang magsagawa ng “bar ops” ang taga suporta ng mga bar examiner. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply