Retiradong guro natagpuan patay, laslas ang leeg

NATAGPUANG patay at laslas ang leeg ng isang retiradong guro dahil sa pumatak na dugo nito mula sa kanyang kuwarto sa ibabang bahagi ng kanilang bahay sa Navotas kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Rosalia Samson, 80 ng Governor Pascual St., Sipac Almacen ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang mapansin ng pamangkin ng biktima na si Bobbit ang mga patak ng dugo sa unang palapag ng kanilang bahay.

Agad na inakyat ng saksi ang kuwarto ng biktima na nasa ikalawang palapag at laking gulat na patay na nang tumambad ang tiyahin.

Nakita ng saksi na laslas ang leeg ng kanyang tiyahin na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang pumaslang biktima at inaalam na rin kung may nawawalang gamit si Samson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply