Reyes igaganti ni Bustamante

PAGHIHIGANTI ang target ngayon ni former world 9-ball champion Francisco “Django” Bustamante sa pakikipag-krus ng landas kontra kay Taiwanese ace Ko Pin Yi sa pagpapatuloy ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa Sabado (Pebrero 25) sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.

Giniba ni Ko ang Puyat Sports stablemate ni Bustamante na si double world champion Efren “Bata” Reyes, 4-9, sa last weekend ng PBB faceoff series na pinamagatang Philippines versus Asia.

“”This time I will not disappoint my countrymen. I’m ready,” sabi ng Tarlac City native na si Bustamante. “Igaganti ko si Pareng Efren (Reyes) kay Ko.” dagdag ng 48 anyos na si Bustamante.

Pinaboboran ng Sports Betting  MegaSportsWorld si Ko kontra kay Bustamante nitong Huwebes. Ang $1-bet mo kay Ko ay tatabo ng $1.55. Habang ang $1-bet naman kay Bustamante ay mananalo ng $2.02 sa race-to-9, 10-ball affair, winner’s break format event na magkatuwang na inorganisa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp.

Ito ay isasahimpapawid sa Solar Sports, Sky Channel 70 at Destiny Channel 34. Masisilayan din worldwide mula Internet sa www.megasportsworld.com at www.philippinebigtimebilliards.com. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply