Richard Gutierrez idinemanda ni Nadia ng harassment

NAGSAMPA na naman ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang actress na si Nadia Montenegro kaninang umaga.

Ang pag-aasunto ng harassment at unjust vexation ni Montenegro ay hindi isinampa para sa kanyang mortal na kaaway na si Annabelle Rama, manager ng kanyang mga anak kundi laban sa anak nitong actor na si Richard Gutierrez.

Ayon kay Montenegro, kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng mga bastos na text messages mula kay Richard Gutierrez.

“I can prove this with 100 other persons. This is your cellphone line so huwag ka nang mag-deny,” pahayag ni Montenegro.

Bukod pa rito, inakusahan din ni Montenegro si Richard ng unprofessionalism matapos hindi ipakilala ng binatang aktor ang kanyang anak na si Yna Assistio sa isang television show.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Rama ang kanyang anak na si Richard at binuweltahan ang akusasyon ni Montenegro.

“Hindi papatol ang anak ko sa walang name, laban ko ito… Wala naman sa idiot board ang pangalan niya,” pagtatanggol ni Rama sa anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply