Riot pa sa kulungan, 1 utas, 2 sugatan

ISANG bilanggo na naman ang napatay matapos saksakin ng kapwa niya mga bilanggo nang sumiklab ang riot sa pagitan ng magkalabang gang sa loob ng provincial jail sa Sorsogon, iniulat ng pulisya.

Sa report sa Camp Crame,  mula sa Sorsogon Provincial Police Office, nakilala ang napatay na inmate na si Rommel Lanuza, habang ginagamot pa  sa ospital ang mga kasamahang bilanggo na sina Jerry Habla at Ronaldo de Vera, pawang miyembro ng Bahala na Gang.

Suspek naman sa krimen ang kapwa preso na si Raffy Bolano na miyembro ng Sputnik Gang.

Sinasabing matinding rivalry at agawan sa control sa loob ng kulungan ang motibo sa riot.

Ayon sa pamunuan ng jail na hindi riot ang nangyari kung hindi personal lamang na away ng dalawang bilanggo.

Agad namang rumesponde ang mga gwardiya ng bilangguan maging ang mga operatiba ng Sorsogon City Police, SWAT team at ang Sorsogon Provincial Public Safety Battalion.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang pangyayari matapos na lumabas na armado ng matatalim na bagay ang ilang mga bilanggo sa loob ng kani-kanilang mga selda.

Aminado umano si Provincial Jail Warden Josefina Lacdang, na nahihirapan silang  ma-monitor o mapigilan ang mga bumibisita sa inmates na may dalang mga sipilyo at kutsara na kadalasang ginagamit ng mga preso para gawing improvised weapon kontra sa kanilang mga kalabang bilanggo.

Samantala, nagdesisyon naman ang pamunuan ng nasabing kulungan na pagsamahin na lamang sa dalawang magkaibang kulungan ang dalawang grupo para maiwasan ang katulad na insidente.

Kung maaalala, ang Sorsogon provincial jail ay una na ring naging kontrobersyal matapos lumabas ang balita ng kanilang pambubugaw ng babaeng inmates sa labas ng kulungan.

3 BUGAW TIMBOG SA  MAG
KAHIWALAY NA INSIDENTE
———————————————
TATLONG hinihinalang bugaw , ang natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District at ng mga tauhan ng  Manila Department of  Social Welfare, sa isinagawang entrapment operation sa magkakahiwalay na insidente sa Manila.

Unang nadakip ay ang dalawa na sina Bonifacio Reyes, 24 anyos at Lea del Rosario, 38 anyos, matapos umanong ibugaw ang isang 16 anyos na dalagita.

Sumunod na isinagawa ang entrapment , kamakalawa ng hapon ng dakong 3:00, sa pangunguna mismo ni Jay dela Fuente, hepe ng MDSWD, na kung saan ay naaresto ang isang Aaron Espiritu, 28 anyos  ng 1069 New Antipolo St., Tondo.

Gayunman, ang tatlo ay sinampahan ng kasong Human Trafficking o paglabag sa RA 9208 , at napag-alaman na ang mga ito ay walang inilaang pansamantala nilang paglaya, habang nasa kustodiya sila ni Chief Insp. Lucile Faycho, hepe ng Children and Women’s Protection Unit sa MPD-Headquarters.

Batay sa ulat ng pulisya, si Espiritu ay dinakip sa entrapment sa Golden Bird Motel sa  Abenida Rizal, malapit sa panulukan ng F.Yuseco St., sa Sta. Cruz,Manila.

Nabatid na sina  Angelito Bacani at Ronald Guingon. ang kapwa nagpanggap na kustomer, sa halagang P1,000.00 bawat babae na umiedad na 18 at 19 anyos.

Lumitaw sa ulat ng pulisya, sa tulong ng isang  Bgy. Chairman na si   Elvie Reyes  ng Bgy. 224, Zone 21 District 2 ang unang nakasagip sa isang menor de edad nitong nakaraang Pebrero 19.

Isang text message  mula sa bugaw ang  natanggap ng  manugang ni Reyes kung saan inaalok ito ng babae.

Agad ding nagsagawa ng  entrapment ang  grupo  dela Fuente at  noo’y  MPD-Station 7  chief  Supt. Roderick Mariano  at naaresto sina Reyes at del Rosario.

Dahil dito, kahapon ay iniharap ang tatlo kay Manila Mayor Alfredo Lim, at inatasan na si dela Fuente na ibaon sa kaso ang tatlo, upang huwag na itong pamarisan ng iba.[RENE CRISOSTOMO]


Leave a Reply

*
Bakit Abe, ibig mo bang sabihin eh na-outnumber na...
hahaha! baka kailangan na ni kristd mag-shampoo na...
AGB? hahahaha! patawa ka naman kristd eh....hahaha...
hahaha! dito sa u.s. (siguro kahit sa ibang bansa ...
corek...
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...
NESTOR ALAM NYO BA NA SO INGGIT ITONG MABAHONG EBA...
ABE Paulite, maka BOBO ka naman at intrigero dun s...
Eto ang demanda na maliwanag na pang-propaganda la...
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.