Road rage suspect Ivler ipinasok uli sa ospital

MULING ipinasok sa government hospital ang road rage suspect na si Jason Ivler makaraang sumailalim sa isa pang medical examination kabilang na ang colonoscopy matapos ang major operation na isinagawa sa kanya.

Pinaboran ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Trial Court Branch 84 ang kahilingan ng doktor ni Ivler na pagsasagawa ng colonoscopy sa Quirino Memorial Medical Center upang mawala ang ulcerative colitis nito o isang uri ng inflammation ng intestines.

Ang kanyang attending physician sa government hospital na si Dr. Romeo Abary ay nagsagawa ng colonoscopy at posibleng biopsy kay Ivler at ipinasok sa Quirino Memorial Medical Center kahapon, Pebrero 6 at nakatakdang lumabas sa naturang ospital bukas Miyerkules, Pebrero 8, 2012.

Magugunitang sumailalim sa operasyon si Ivler sa kanyang colostomy nitong Disyembre 2011 matapos masugatan sa kanyang pakikipagbarilan sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong nakalipas na taon.

Si Ivler ay kasalukuyang nakapiit sa Special Intensive Care Unit sa Camp Bagong Diwa habang nililitis sa kasong murder sa pagpakakapatay kay Renato Victor Ebarle Jr. sa Quezon City dahil lamang sa gitgitan sa sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply