‘Road safety pledge’ muna bago lisensiya

KINAKAILANGANG lagdaan muna ng isang aplikante ang “road Safety Pledge “ (RSP) bago makuha ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho sa Land Transportation Office (LTO).

Ang nasabing Memorandum Order na ipinalabas ng Department of Transportation and Communications (DoTC) ni Undersecretary Efren Moncupa, ukol dito ay bilang pagsuporta ng gobyerno sa naging deklarasyon ng United Nation — ang 2011-2020 na Decade of Action for Road Safety.”

Layunin din ng kautusan na magkusa ang drivers na maging responsableng road users dahil halos 70% ng disgrasya na nangyayari sa mga lansangan sa bansa ay isinisisi sa drivers.

Dahil dito, magiging kalakip ng drivers application forms ngayon ang kopya ng RSP para malagdaan bago maire-release kasama na ang kopya ng sinumpaan.

Para naman sa mga kukuha ng student permits, ipababasa muna sa mga aplikante ang nasabing Pledge bago payagan na makakuha ng lisensiya sa LTO.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply