Robin, katawan ang regalo kay Mariel ngayong Valentine’s Day!

NAG-ENJOY si Robin Padilla sa Toda Max presscon dahil cool lang ang mga tanong at kulitan. Dun din niya nadiskubre ang mga salitang ‘havey’ at ‘nganga’ kaya panalo ang movie press sa kanya.

Hindi maiwasan na itanong kung niligawan ba niya si Angel Locsin noong magkasama sila sa Asian Treasures ng GMA7? Nakatutok daw kasi noon si Angel sa pag-aaral ng martial arts.

“Pag nag-eensayo siya sa gym namin dati, lahat doon, mangha! Pero siyempre, nu’ng panahong ‘yon, nirerespeto namin ang pagmamahal niya sa martial arts,” deklara niya.

Tinanong din kung paano ang Valentine’s Day nila ni Mariel Rodriguez? May trabaho si Mariel kaya mag-a-adjust sila.

Ano ang regalo niya kay Mariel?

“Eh, di katawan ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. Hindi pa ba niya naibibigay ang kanyang katawan kay Mariel?

“Wala pa, kasi wala pa kaming honeymoon! Sa totoo! Medya-medya pa lang ang nagaganap!” sey ni Idol.

Kailan nila planong magka-baby ni Mariel?

“Meron kaming plano. Mga dalawang taon pa mula ngayon. Kailangan kasi, ihihinto ‘yung… Kasi ‘yung schedule namin 2 years… Kasi may contract ako dito. May contract siya sa Kapatid network.

“Siguro pagkatapos ng mga contract namin. Magkasundo muna kami na wala muna kaming tatanggaping trabaho.

Ano ang comment niya sa tsikang pinaiyak ni Aljur Abrenica ang anak niyang si Kylie kaya break na?

“Wow! Alamin muna natin kung sino ang may kasalanan diyan. Hindi, hindi niya sasabihin ‘yon. Number one, ‘yung pag-iyak. Number two, ‘yung pagsabi sa akin,” bulalas niya.

So, hindi iiyakan ni Kylie si Aljur?

“Ahhh…Hindi gawain ng isang babae ang umiyak sa lalaki. Ang lalaki, ang dapat kasi… Hindi naman sa umiiyak. Kailangan ‘yung lalaki, naaapektuhan sa relasyon at hindi ang babae,” aniya.

Knows ba ni Kylie ‘yang ganyan?

“Matutuklasan niya ‘yan. Sa sarili niyang journey,” sagot ng action superstar.

Nagagalit ba siya kapag nakikita niyang umiiyak ang anak?

“Marami kasing klase ng pag-iyak, eh. Eh kung niloko siya… Eh, highly trained naman ang anak ko. Bahala na siya!” aniya.

Hindi rin niya alam kung may relasyon talaga sina Kylie at Aljur dahil hindi siya nagtatanong.

“Isang beses lang na nakita ko siya. Medyo mali nga. Alak pa ang binigay sa akin, eh! Hindi niya alam, Liver Aide ako! Ha! Ha! Ha!” sambit pa

“‘Yun din ang sa anak ko. Pinalaki ko sila sa pananampalataya ng Islam. Sila’y highly trained sa baril, martial arts! Palagay ko, kaya nilang depensahan ang sarili nila! Nakapag-aral sila sa matitinding eskuwelahan. Walang dahilan para maloko sila!” deklara pa niya.
Tsuk!

o0o

PINAGPAPANTASYAHAN na ang cover ng February 2012 issue ng FHM Magazine dahil nagpa- sexy ang dating Ms. World Philippines na si Danielle Castaño at ang StarStruck alumna na si Jade Lopez.

Si Danielle ang pumalit noon kay Janina San Miguel at naging representative ng Pinas para sa Ms. World at pumasok sa top 32.

Nu’ng una ay nag-alangan siyang mag-pose sa FHM pero itinuturing niya itong comeback. Pumirma siya sa Viva noong October 2011 ng 5 years. Nakasama na siya sa 2010 Cinemalaya entry na Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio kung saan gumanap siyang wife ni Alfred Vargas at nagkaroon din siya ng “small role” sa 2010 MMFF entry na Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

Gusto raw niya ng Moreno guy kaya ang pantasya niyang makasama sa project ay si Derek Ramsay at si Richard Gomez.

Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa pagpapa-sexy? Okey na ba sa kanya na magpakita ng boobs?

“No. Of course not. Hanggang sa cover muna sa FHM. Not right now. Back na lang,” sey pa niya.

Sa pictorial nila ni Jade na magkasama, tinanong din siya kung okey dahil sexy ang pictorial nila ni Jade, okay lang  ba sa kanya ang lesbianism?

“Nakakalorky,” tumatawa nyang reaksyon.

Niligawan na ba siya ng tomboy?

“Wala pa namang nanligaw sa akin. Over the bakod,” sagot niya.

May negosyo rin siya na spa ngayon kasosyo ang mommy niya  na pinangalanan niyang Vela sa Katipunan at sa Libis. Tsuk!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply