Robot traffic enforcer

MAAARING maging reyalidad ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng robot traffic enforcer na magmamando ng trapiko sa lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sa kanyang ginawang pakikipag-usap sa grupo ng mga high school inventor inamin ng mga ito na kaya nilang gawin ang hamon ng opisyal na bumuo ng isang robot na tutulong sa trapiko sa Metro Manila.

Bago ito ay nakaimbento ang mga batang estudyante ng isang robot na nakaka-detect ng baha at ng body temperature. Ang imbensyong ito ay nanalo sa Abu Dhabi, Robot Olympiad kamakailan.

Sinabi pa ni Tolentino na ang robot traffic enforcer ay ilalagay muna sa street roads upang masubukan ang kakayahan sa pagmamando ng trapiko.

Nilinaw pa ni Tolentino na ang robot ay nahahalintulad sa traffic lights, ang kaibahan lamang ay maroon itong kakayahang mag-detect kung nagsisikip na ang trapik sa lansangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply