Rollback sa presyo ng LPG ipatutupad sa Marso

ASAHAN na ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang linggo ng susunod na buwan.

Ito’y dahil sa naabot na ang pinakamataas na price hike sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay LPGMA Rep. Arnel Ty, wala pa silang kalkulasyon hinggil sa kung magkano ang ibababa sa presyo ng kanilang mga LPG.

Nitong nakaraang linggo, muling nakatikim ng matinding dagok ang mamamayan matapos itaas ang presyo ng LPG ng P6.00 kada kilo.

Magugunitang, ang major oil player na Petron Corp. ay nagdagdag ng P6 sa kada kilo ng kanilang cooking gas noong nakaraang Pebrero 3.

Nagtaas din ang Petron ng presyo ng auto-LPG ng P3.75 kada litro.

Dahil ang regular cylinder ng LPG ay may timbang na 11 kilo, tumaas ang presyo ng P66.00 sa bawat tangke.

Ang dating presyo ng bawat tangke ng Gasul ay nasa pagitan ng P730 hanggang P740.

Samantala, batay sa GMA news.tv, nagtaas na rin ng presyo sa LPG ang Shell sa kahalitulad na halaga.

Bagamat wala pang official price advisory na ipinalabas ang Pilipinas Shell sa LPG habang isinusulat ito.

Nitong nakalipas na Miyerkules, isa pang malaking supplier ng LPG, ang Liquigaz, ay nagtaas ng presyo ng produkto nito sa P5.00 kada kilo.

Dahil sa napipintong rollback sa presyo ng LPG, tiyak na makahihinga kahit papaano ng maluwag ang mga regular na gumagamit ng LPG tulad ng mga ilaw ng tahanan at mga taxi drivers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply