Root crops pang-iwas sa cancer, diabetes

MAAARING maiwasan ang pagkakaakit ng colon cancer at diabetes sa pamamagitan ng pagkain ng ilang root crops gaya ng kamote at kamoteng kahoy, gabi, ube, patatas, at tuge.

Ito ang nadiskubre ng FNRI ng Department of Science and Technology (DOST).

Anila, nakakababa ito ng bad cholesterol at mainam na pang-iwas sa tumor sa bituka o colon.

Nadiskubre ito ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Ani FNRI-DOST Scientist II Dr. Trinidad Trinidad, bumababa ang low-density lipoprotein (LDL) o bad cholesterol at tumataas naman ang good cholesterol kapag kumakain ng root crops.

Mababa umano ang glycemic index ng root crops kaya hindi nito pinatataas ang blood sugar level ng tao dahilan para maging mainam din ito sa mga may diabetes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply