Rose namulaklak ng 32 pts. sa Chicago

NAGTAGPO ang landas nina Derrick Rose at Carmelo Anthony na parehong All-Star starters.

Ipinakita ni Chicago Bulls star player Rose na siya ang reigning NBA most valuable player (MVP) matapos hiyain ang koponan ni Anthony na New York Knicks, 105-102 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association regular season kanina.

Muling namulaklak si Rose ng 32 puntos at 13 rebounds upang manatili ang Bulls sa tuktok ng Eastern Conference na may 19-6 win-loss slate.

Nanuwag din ng tig-16 puntos sina Kyle Korver at Carlos Boozer habang 12 ang inambag ni bench player CJ Watson para sa Chicago.

Hindi naman sapat ang produksyon nina Anthony at Amar’e Stoudemire upang iahon ang Knicks sa team standings.

Tumikada si Stoudemire ng 34 points, 11 boards at dalawang assists habang 26 pts. ang ginawa ni Anthony subalit lubog pa rin ang Knicks sa 8-14 panalo-talo karta sa Central division.

Umararo ng 15 puntos si Rose sa fourth period kung saan ay umiskor ito sa tatlong sunod na possessions ng Bulls.

Sa ibang NBA resulta, kinamada ng San Antonio Spurs ang three games winning streak matapos talunin ang New Orleans Hornets, 93-81 habang ginilitan ng Memphis Grizzlies ang Atlanta Hawks, 96-77.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply