Rose namulaklak sa Chicago

NAGBUNGA ang mga ginagawa ni Derrick Rose sa practice nila dahil ginawa niya ito sa tunay na laro upang manaig ang Chicago Bulls laban sa nakakaawang New Orleans Hornets, 99-95 kaninang umaga sa naganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Pang NBA All-Star ang porma ni reigning MVP ng isalpak ang winning shot sa gilid upang itarak ang 28-8 win-loss card at makihati sa Miami Heat top spot ng
Eastern Conference.

“I take crazy shots like that in practice all the time, they just give me confidence to take those shots where they are looking for me,” pahayag ni Rose.

“We work on that in the end of practice. I stepped back and tried to shoot the ball up as high as I could.”

Bumira si Rose ng 32 puntos, siyam na assists, tatlong steals at tig dalawang rebounds at blocks.

Si Joakim Noah na siyang nagpasa ng bola kay Rose sa crucial seconds ay
nag-ambag ng 15 points, 16 boards at limang assists.

Nabaon naman ng husto ang Hornets sa ilalim ng team standing na may 8-26 panalo-talo karta.

Ayon sa coach ng Hornets, sa kanila dapat ang panalo lalo sa na ganung close game.

“We should have won that game,” ani New Orleans coach Monty Williams. “You’ve got to close games like that out.”

Kumana ang sentro ng Hornets na si Chris Kaman ng 17 pts., 11 boards at limang assists habang si Trevor Ariza ay may nalikom na 16 markers walong rebounds at apat na assists.

“Derrick Rose came back and hit a tough shot,” sabi ni Ariza. “We’re a team that never gives us. We’re going to play hard all the way through. But late turnovers cost us. The game we could have had for sure.”

Samantala, gabuhok na nanalo ang Milwaukee Bucks sa Washington Wizards, 119-118, ganun din ang New Jersey Nets kontra defending champion Dallas Mavericks, 93-92 habang tambakan naman ang laro sa pagitan ng nanalong Indiana Pacers at Golden State Warriors, 102-78.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply