Sa model-actor at hindi sa yoga instructor iritable si Hayden Kho

HOW true, natatawa na lang daw si Hayden Kho sa isyung pinagselosan niya ang yoga instructor na si Al Galang kaya niya inaway ang girlfriend na si Dra. Vicki Belo? Pati nga raw ‘yung pa-effect na love letter na ibinigay umano ng una sa kontrobersyal na doktora ay lubhang katawa-tawa rin para sa kanya.

At ayon naman sa komento ng ibang movie scribes, bakit nga raw magseselos si Hayden kay Al eh, pinagduduhan nga raw ang pagkalalaki nito at hindi naman ito kagwapuhan. May kahabaan pa ang baba. Hehehe!

Hindi nga ba’t naloka rito si Lorna Tolentino dahil tinawag siyang “Mommy” at si Dra. Belo ay “Babe.” May lalaki bang ganyan? Well, baka sanay lang siya sa ganitong kaartehan kahit julakis siya. Hahaha!

Anyway, ang talagang na-afraid daw ng husto ang ex-doctor na baka maagaw (Na nawala na nga sa kanya ng tuluyan) sa kanya ang pamosong beauty consultant ay ang pagpasok sa eksena ng isang nagngangalang Edward Mendez, isang actor-model na tunay nga namang mala-adonis ang itsu. Matangkad din ito at okey ang wankata.

Si Edward ang fitness director ng Sexy Solutions, ang sister company ng Belo Medical Clinic. Si Madam Vicki ang nag-hire rito para sa naturang trabaho at hindi raw ito ikinatuwa ni Hayden.

***

Atty. Persida Acosta masang-masa

ANG saya palang dumalaw sa taping ng Public Atorni, Asunto o Areglo ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta. Wan to sawa ang kanilang lafang, huh! Ang babait pa ng mga tao. At ang host mismo ay masang-masa ang dating. Wala siyang pinipiling kausap. Lahat ini-entertain niya. Kaya hindi nakapagtatakang naging PAO Chief si Atty. Persida dahil sa mga katangiang ito. Maging sa taping ng kanyang programa na napanonood sa TV5 every 4:45 p.m. from Monday thru Friday ay kwela rin dahil kahit seryoso ang usapan ay nandon pa rin ang tawanan but at the same time matototo ka tungkol sa batas.

***

KC nasermunan ni Mega?

HINDI na talaga papipigil si KC Concepcion.

After her provocative cover shoot for Rogue Magazine January-February 2012 issue, hayan at flaunt to the max naman niya ang kanyang curves sa Cosmopolitan Philippines Magazine para sa March 2012 issue nito.

Pero unlike sa Rogue kung saan she bare almost her all, dito sa bagong magazine cover photo ng dalaga, very subtle lady-like si KC sa kanyang summer bikini.

Marahil ay napagsabihan daw ang actress/TV host cum model na magmenor-menor sa kanyang mga pictorial. Kaya sa bago niyang photo shoot ay hindi na siya masyadong daring, but just the same, makikita pa rin ang magandang hubog ng katawan nito.

Anyway, ayon sa Cosmopolitan Magazine: “Only minimal editing was done on the pic. KC is fit. Her body is toned, healthy, sexy, and strong that photoshop is no longer needed to further enhance her assets.”

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply