Sa ngalan ng katotohanan

NAGDULOT ng napakalaking isyu ang pagpigil ng Korte Suprema para mabulatlat ang dollar account ni Chief Justice Renato Corona sa PSBank.

Sa botong 8-5, pumabor ang desisyon ng Supreme Court sa hiling ng PSBank na
huwag isiwalat ang CJ dollar acoount sa impeachment trial.

Ginawang dahilan ng walong pumabor na SC justices ang isinasaad ng batas tungkol sa secrecy law kaya sila nag-isyu ng TRO.

Kung natuwa ang mga abogado ni Corona sa desisyon na ito ng SC, galit naman ang mga kongresista na bumubuo ng prosecution.

Sa panig ng taumbayan, may mga tuwang-tuwa sa ipinalabas na TRO, pero marami rin namang Juan dela Cruz na naasar.

Pero talagang ganyan. Sa demokratikong bansa ng tulad ng sa atin, may karapatan ang lahat para ipakita ang kanilang saloobin.

Giit ang bank secrecy law, may punto ang defense team na ‘di dapat bulatlatin sa impeachment trial ang dollar account ni Corona.

Ngunit kung wala raw itinatago si CJ na dolyares sa banko, bakit kailangan pa raw niya itong magsinungaling sa sambayanan?

Habang tumatagal ay gumugulo ang paglilitis. Ito’y dahil sa painit na painit na debate ng mga senator-judge, depensa at prosecution.

Yan din ang dahilan kaya hanggang ngayon ay walang nakikitang resulta sa impeachment at pakiwari natin, tatagal pa ang proseso.

Marami man ang nababahala sa bagal ng impeachment trial, may nakikita tayong positibong resulta sa pahayag ng defense team.

Na, ayon sa kanila, sa tamang panahon daw ay mismong si CJ ang magsisiwalat ng kanyang mga impok sa bangko.

Nakatataba ng puso ang anunsyo nilang ito pero ang tanong – bakit pa patatagalin ni CJ ang pagpapakita ng laman ng kanyang bangko?

Nakataya ang kanyang buong katauhan at sa impeachment trial na ito at inaalam
kung siya ba ay nagkasalang SC chief justice.

Sinabi ni Corona na siya’y ‘di umabuso sa posisyon. Kung gayon, bakit kailangan pang patagalin ang impeachment trial?

Kung haharap siya at ipakikita ang dollar account tulad ng sinasabi ng kanyang mga abogado, bakit pinatatagal pa?

Sa ngalan ng katotohanan dapat ay ngayon na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply