Sa sobrang kakunatan, Mommy Dionisia Pacquiao kinulam ng mga parlorista sa Gensan?

WE HAVE nothing against Mommy Dionisia Pacquiao. Para sa amin character ang celebrity mom na ito ni boxing Champ Cong. Manny Pacquiao dahil marami rin namang naaaliw sa kanya. Hayun nga, bumulaga sa iba’t ibang TV news program three days ago ang allegations ng mom ng sikat na pugilist na nakulam daw siya kaya lumaki raw ang kanyang mukha at lumobo ang kanyang tiyan na parang buntis. (Hahahahahahaha! – Ed)

Sa true, takot na takot nga raw ang kanyang mga kapitbahay sa Gensan dahil para na siyang mamatay. Mabuti na lang at magaling ang kanyang doktor kaya’t gumaling siya. Pero teka? Kung totong kinulam nga itong si Mommy Dionisia, sino naman kaya ang may gawa nito sa kanya?

Sabi niya, ‘yung mga naiinggit daw sa kanya. Well, hindi kaya ‘yung favorite parlorista ni Mommy Dionisia sa Gensan ang siyang nagpakulam sa kanya? Na sa paulit-ulit nitong pagpapagupit at pagpapamake-up ay hindi man lang niya nabigyan ang mga bakla ng kahit sampung pisong tip? kasi may dialogue pa raw itong showbiz mom ni Manny P. na bakit siya magbibigay ng tip eh, sikat siya?

Masuwerte raw ang parlorista na mag-aayos sa kanyang beauty dahil famous nga siya. Ha’y naku! Hindi na pinag-uusapan rito kung sikat ka o hindi? Ang issue rito, mag-share ka naman ng blessing lalo pa’t rich ka na, lola.

Kuha mo gyud? (Hahahahahahaha! – Ed)

o0o

Nagpa-iyak ng inyong tanghali na ‘Mundo Man Ay Magunaw’ mapanonood na sa 2:30 pm time slot

MATATAAS ang nakuhang rating ng Marathon special ng Mundo Man Ay Magunaw na ipinalabas last Saturday morning sa Kapamilya network. At kung balon-balong luha ang idinulot sa inyo ng pilot week last January 30 hanggang February 3 na napanood nyo sa tanghali, simula kaninang umaga (Lunes, Feb. 6) ay mapapanood na natin sa Kapamilya Gold at new time slot nilang 2:30 PM. At ngayong nakalaya na si Olivia(Eula Valdez) sa mahabang taon na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa mayamang mister na si Carlos(Christoper Roxas) dahil sa inihuhulog nito ang anak sa tunay na minamahal na si Dante (James Blanco). Mas lalong maaantig ang inyong bawat damdamin at mas lalo n’yong kapananabikan ang mga tagpong mapapanood tulad ng muling pagkikita ni Olivia at mommy ni Carlos na si Donya Alicia (Tessie Tomas) sa simbahan.

Samantala, nagulat si Olivia nang magpunta siya sa sementeryo at hindi makita roon ang bangkay na isa pa niyang anak na si Sheryl (Empress) na daughter niya sa napatay na si Carlos. Wala siyang kamalay-malay na itinatago ito sa kanya ng kapatid na si Leilani (Katya Santos). Nasa poder ni Leilani itong si Sheryl na puro pahirap at dusa ang ibinibigay sa dalaga. Mabuti na lang at parating nariyan at nasa tabi nito ang kababatang si Nicko as portrayed by Ejay Falcon, na hindi siya pinababayaan at lagi siyang ipinagtatanggol. Nakararanas rin ngayon ng pang-aapi si Sheryl sa kamay ni Jennifer na walang kamalay-malay na sila’y magkapatid sa Inang si Olivia.

Abangan at unti-unti nang sasabog ang mga rebelasyon sa Mundo Man Ay Magunaw mula sa mahuhusay na direksyon ng multi-awardee na si Jefrey Jeturian at Rechie Del Carmen na mapanonood Lunes hanggang Biyernes 2:30 pm sa Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply