Saan patungo ang Corona impeachment?

BUMABALIK ang interes ng taumbayan sa pagsubaybay sa impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y, dahil unti-unting lumalabas ang hinahanap ng mga congressman-prosecutor na ebidensya na magdiriin sa chief justice.

Para sa prosecution team, mahalaga ang testimonya ni PSBank President Pascual Garcia lll na may depositong P24.6 milyon si Corona.

Kumbaga, umiskor ang prosecution matapos ang sunod-sunod na kahihiyan dahil sa pagpiprisinta ng walang kabuluhang testimonya ng witnesses.

Dahil nabuking ang milyones na deposito, napa-wow ang sambayanan. Ang tanong nila ay ito: Saan galing ang perang yan ni CJ?

Sa suweldong tinatanggap, walang maniniwalang Ponsio Pilato na ‘di gumagawa ng hokus-pokus ang nasabing opisyal ng SC.

Kaya nga siguro kumilos na rin ang Defense team. Hiniling nila sa SC na pahintuin ang pagkalkal sa mga bank deposit ni CJ.

Ipinagbabawal sa umiiral na batas ang pakikialam o pagkalkal sa bank deposits, punto ng depensa.

Ang mga bangko ay nagpahayag din ng pagkabahala sa testimonya ng PSBank president na nagdedetalye sa bank deposit ni Corona.

Nabahala rin ang ilang financial expert sa pangambang baka matakot ang mga huge depositor at magkaroon ng ‘bank run.’

Pero kung yan ang batas, paano malalaman ang katotohanan sa likod ng mga paratang ng prosecution team laban kay CJ Corona.

Kung ang  bawa’t ‘tanong’ ng prosecution ay haharangin ng depensa, saan patutungo ang isinasagawang impeachment?

Ang depensa ay tumakbo na sa SC para harangin ang utos ng mga senator-judge na testimonya ng mga bank executive.

Paano kung pumabor ang SC sa petisyon ng depensa, aba’y magdudulot ito ng
problema kasi mapapahiya ang mga senator-judge.

Siguradong ‘di papayag ang mga hukom na mga senador kaya magkakaroon ng angalan na magreresulta ng krisis sa konstitusyon.

‘Yan ang ‘di dapat mangyari. Dahil kapag nagkataon, gugulo na naman ang bayan ni Juan. Tiyak yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply