Sabwatan sa pagbili ng palpak na BFP hose, tukoy na

KUNG natatandaan ninyo,  minsan na po nating binanatan sa kolum na ito ang sub-standard at imported (kuno) na fire hose ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng National Capital Region (NCR) na sumablay nang biglang matanggal ang naturang hose sa mismong coupling nito sa isang isinagawang fire drill ng Taguig BFP sa St. Lukes Medical Center Global City (SLCGMC) nitong December.

Marami pong nasaktan sa insidente kabilang ang pumper operator na si Agapito Cruz at isang nurse aide ng SLCGMC. Palpak as in palpak talaga ang fire hose  dahil sa 120 psi water pressure pa lamang ay kataka-takang umigkas ito sa coupling na nakakabit sa fire truck na base naman sa BFP Technical Committee physical inspection at performance test daw na ginawa nito sa nasabing hose ay nakapasa ito sa 750 hanggang 1,000 psi busting.

Anong kalokohan na naman yan?! Kung pagbabasehan natin ang BFP TechCom Certificate # 2010-02 dated May 17, 2010, pumasa ang isinuplay ng 911 Alarm Inc., double jacket 800 Pound Test.

Ayon sa dokumento na hawak ng mismong Presidente ng 911 Alarm Inc. na si Marcial Lichauco, nagtala ang BFP TechCom ng ‘substantial compliance’ sa Darley 800 hose sa lahat ng test requirement dito lalo na sa internal strength for coupling and connectors.

E, bakit nga ba kumalas  sa coupling, ha, DILG Sec. Jesse Robredo? Pakiusisa nga po!
Ang basa ko rito ay may malaking sabwatan  ang nasa likod ng pekeng testingang ito, Sec. Robredo!

Maliwanag sa mga dokumento na ginawa noong May 15, 2010 ang testing sa FERROTECH. Pinalalabas na isa raw DTI recognized laboratory testing sa fire hose sa pagitan ng BFP TechCom sa pamumuno ni Engr. Nelson Se Sr., Ferrotech officials at 911 Alarm Inc. officials. Isang malaking panloloko at pandaraya ito sa DTI-Bureau of Standards na maliwanag na iskam, Sec. Robredo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply