Salitang ‘gago’ sa pahayag ni Miriam ipinatanggal ng prosekusyon

TUMAYO ngayon sa plenaryo si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas upang hilingin sa impeachment court na tanggalin sa record ang salitang “gago.”

Ang salitang “gago” ay sinambit ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na ang tinutukoy ay ang aniya’y kawalan ng kahandaan at diumano’y tila panloloko ng prosekusyon sa mga senator-judges.

Agad naming tumayo ang senadora upang sabihing “no problem your honor.”

Nauna rito ay nag-sermon si Santiago dahil sa aniya’y pagkatapos sabihin ni lead prosecutor Niel Tupas na hindi na sila maglalatag ng ebidensya at testigo para sa Articles 1, 4, 5, 6 at 8 ay bigla niya itong binawi ngayong hapon lamang.

Ayon sa manipestasyon ni Tupas, nirereserba aniya ng prosekusyon ang paghahain ng ebidensya para sa dollar accounts records ni Chief Justice Renato Corona.

Giit ni Santiago na sa tinagal-tagal ng kanyang pagiging hukom bago siya naging senadora ay ngayon lamang siya nakarinig ng manipestasyon na matapos mag-rest ng kaso ay saka ito babawiin upang sabihin na may reserbasyon pa.

Samantala, matapos ang suspension ng paglilitis ngayong hapon ay babalik ang proceedings sa Marso 12, araw ng Lunes ganap na alas-2:00 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply