‘Salt Fertilization Program’ vs peste pinalawak ng PCA

MAIIWASAN na ang mga peste sa mga niyog sa tulong ng programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pamamagitan ng programang “salt fertilization” ng ahensya.

Layunin ng PCA na mapataas pa ang antas ng produksyon ng niyog at maiiwas ito sa mga pesteng maaaring umatake sa bunga nito.

Ayon kay PCA Provincial Director Alejandro Olaguera, mas pinalawak pa nila ang pamamahagi ng asin upang gawing abono sa mga niyog upang maibalik ang dating ganda at taas ng ani ng niyog.

Sakop din nito ang patuloy na rehabilitasyon ng mga puno ng niyog na naaapektuhan ng sakit na “cadang-cadang,” malawakang coconut re-planting at intercropping program.

Ang “cadang-cadang” ay isang klase ng peste na ang dahon ng punong niyog ay nagsisimulang magkapatse-patse ng kulay dilaw na kung titingnan sa liwanag ng araw ay tila binabad sa tubig, lumalaki ang mga pesteng ito hanggang lumiit at lumutong ang mga dahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply