San Beda vs Arellano sa finals ng Fr. Martin Cup

BALIK ang defending champion San Beda Red Lions sa finals ng 8th Fr. Martin Collegiate Open Cup. Sa puntong ito laban sa Arellano University Chiefs na ang laro ay gaganapin sa Trinity University of Asia Gymnasium sa Sabado (25).

Umatake ang Lions sa huling apat na minuto ng laro upang masingitan ang Letran Knights, 64-61, noong Linggo sa semifinals.

Sumandal sila sa 11-3 run upang igupo ang Knights at maisaayos ang finals showdown sa Arellano University Chiefs.

Naging sandigan ng Chiefs ang kabayanihan nina Vergel Zulueta at AJ Serjue sa endgame upang paamuhin ang National University Bulldogs, 59-56, at kunin ang kanilang kauna-unahang finals stint.

Nagpakawala si Julius Armon ng 16 points, subalit sina Rome dela Rosa, Kyle Pascual at Anjo Caram ang nagsalba sa Red Lions.

Sa likod ng limang puntos sa huling 7:45, nagsanib ng puwersa sina Dela Rosa, Pascual at Caram upang ibalik ang Lions sa trangko sa pamamagitan ng 61-55 kalamangan pagkalipas ng apat na minuto.

Nanguna si Kevin Alas sa Knights na may 18 points, kabilang ang siyam sa first period, at nagbigay-daan ito upang kunin ng Letran ang 21-6 bentahe sa pagtatapos ng first period.

Nagbida si Serjue sa Chiefs na may 15 points, at nailayo niya ang Arellano sa huling 3.8 segundo sa kanyang split sa free throws.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply