San Francisco river umapaw, Albay binaha

BINAHA ang mga residente ng Polangui, Albay makaraang umapaw ang tubig sa San Francisco River bunsod nang malakas na pag-ulan kaninang umaga, Pebrero 15.

Nabatid na nawasak ang sandbag na proteksiyon ng mga residente kaya dumiretso sa mga kabahayan ang tubig baha.

Nabatid din na nalubog sa baha ang ilang palayan habang tinatayang halos buong barangay ng Sentro Occidental ang nalubog sa tubig, maging ang munisipyo ng Polangui.

Dahil dito, kinansela ang pasok sa Polangui na lubog din sa baha ang ilang paaralan sa naturang lugar.

Kaagad din namang humupa ang baha kung kaya’t hindi na kinailangan pang lumikas ang mga residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply