Sanchez nakisalo sa ika-11 puwesto sa Cannes chessfest

NAKISOSYO si Grandmaster Joseph Sanchez (2518) ng Pilipinas sa 11th hanggang 18th places sa katatapos na 26th Cannes Chess Festival na ginanap sa Lerins Island sa Cannes, France.

Ang Cebuano na si Sanchez, Cannes winner noong 2009 at 2011, ay tumapos na may 5.5 puntos sa siyam na laro, kaparehas ng naitalang puntos nina GM Sebastian Feller (2658), FM Lucas Di Nicolantonio (2311) at Said Brih (2407) ng France, GM Krikor Sevag Mekhitarian (2487) ng Brazil, GM Nenad Sulava (2514) ng Croatia, GM Michele Godena (2533) at IM Giulio Borgo (2403) ng Italy.

Naitulak naman ni GM Evgeny Romanov (2628) ng Russia ang last round victory kontra kay GM Feller tungo sa kabuuang 7.0 puntos, angat ng kalahating puntos sa grupo nina top seed GM Etienne Bacrot (2704), GM Tigran Gharamian (2676) at GM Fabien Libiszewski (2509) ng France, GM Alexander Fier (2603) ng Brazil at IM Axel Rombaldoni (2441) ng Italy na tumapos sa 2nd hanggang 6th places.

Nasa 7th hanggang 10th places sina GM Yannick Pelletier (2589) ng Switzerland, GM Valeriy Neverov (2541) ng Ukraine, GM Ruben Felgaer (2753) ng Argentina at IM Igor Blechzin (2442) ng Russia na kapwa may 6.0 puntos.

Muling masisilayan si Sanchez sa nalalapit na Cappelle la Grande Open sa Cappelle la Grande, France sa Marso 3 hanggang 10 at La Roda Open sa Albacete, Spain sa Abril 4 hanggang 8. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply