Sanggol natusta ng buhay sa sunog

NATUSTA ng buhay ang isang anim na buwang sanggol na lalaki matapos na masunog ang kanilang bahay  kaninang umaga sa San Andres, Maynila.

Ayon kay SFO2 John Jose Jalicue ng Arson, hindi pa makausap at nasa “stage of shock” pa si  Elena, nanay ng biktimang si Samuel Yaniz, ng Granate Street, San Andres, Maynila.

Nabatid kay FO2 Marlon Perez, ng Manila Fire Department (MFD), nagsimula ang sunog dakong alas-10:18 ng umaga at umabot sa ika-apat na alarma bago idineklarang fire out dakong alas-11:30 ng umaga.

Ayon sa Arson, halos hindi na makilala ang biktima dahil sunug na sunog ang buong katawan nito matapos na lumiyab ang naiwang gasera sa lugar.

Iniwan umano ni Elena ang kanynag mga anak upang bumili sa tindahan ngunit pagbalik nito sa kanilang bahay ay nasusunog na ang ilang kabahayan.

Nagawa naman niyang iligtas ang dalawang anak at naiwan ang bunsong si Samuel at nang balikan nito ay hindi na makapasok dahil nilamon na ang apoy ng kanilang bahay.

Wala naman umano ang asawa nitong si Crisanto nang maganap ang sunog dahil nasa kanyang trabaho.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson habang dinidetermina pa ang halaga ng napinsalang ari-arian. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply