Sanggol tinarakan ng samurai ng sariling ama sa CDO

MAHAHARAP sa kasong parricide ang isang ama na umano’y pumatay sa kanyang sariling anak na babae na tatlong buwan pa lamang sa Cagayan de Oro City kagabi, Pebrero 15.

Nabatid na natutulog sa duyan ang sanggol nang lapitan ng kanyang amang suspek na si Victoriano Delagon, ng Block 2, Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City at biglang inundayan ng saksak gamit ang samurai.

Natutulog din umano ang ina ng bata na si Christine Delagon nang mangyari ang insidente kung kaya’t hindi niya ito napigilan kung saan pagkagising ng ginang ay nakita niya ang bata na naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Si Christine na rin ang humugot sa samurai na nasa dibdib pa ng bata.

Mabilis namang nahuli ng pulisya ang ama na nakapiit na ngayon sa Maharlika Detention Center.

Base sa ginang, mayroong diperensiya sa pag-iisip ang kanyang mister.

Nagsimula raw ang mental problem nito matapos hagupitin ng bagyong Sendong ang Cagayan de Oro noong Dec, 16, 2011, kung saan ang kanilang lugar ay isa sa mga barangay sa lungsod na matinding sinalanta ng baha na nagresulta sa pagkasawi ng daan-daang buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply