Sangkap sa paggawa ng bomba nasabat

NASUPIL ng militar  ang planong bomb attack na posibleng ilunsad sa mga susunod na araw matapos masabat at masamsam ang mga sangkap sa paglikha ng Improvised Explosive Device matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng AFP Task Force Zamboanga at grupong kaalyado ng Abu Sayyaf Group sa Zamboanga City.

Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col Buenaventura Pascual, Philippine Army, una muna silang nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensiya ng Pingli group na sinasabing front ng Abu Sayyaf sa dalampasigang sakop ng Barangay Landang Laum.

Bunsod nito, isang dragnet operation ang ikinasa  ni Pascual kasama ang puwersa ng PNP upang masakote ang Pingli Group.

“The Pingli group is tagged as local conduit of the Abu Sayyaf bandits in staging kidnapping in the city,” ani Pascual.

Subalit bago pa makalapit ang mga tauhan ng militar at PNP ay sinalubong na kaagad sila ng sunod-sunod na putok na nauwi sa maikling engkuwentro.

Sa pagtakas ng mga bandido ay naiwan ng mga ito ang kanilang motorized banca kasama ang isang kahon na naglalaman ng bomb-making materials.

Nakapaloob sa nasamsam na tool box ang ammonium nitrate na nakalagay sa isang 1.5 liter container, electronic tester, nine-volt batteries, printed circuit boards, mini-drill, transistors, capacitors, light-emitting diode (LED) bulbs, soldering iron, soldering lead, diodes at kable ng koryente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply