Sangkot sa hazing sisipain sa SBC

NANGANGANIB na masibak sa San Beda College ang lider ng Lambda Rho Beta fraternity dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng law student at hazing victim na si Marvin Reglos.

Si Eduardo Escobal III, at 30 pamg miyembro ng nasabing grupo ay nahaharap ngayon sa expulsion sa nasabing unibersidad matapos silang makilala na nasa likod ng hazing rites.

Nabatid na ang dalawang nakasabay ng biktima sa initiation rites ay nakatakda na ring kauspain ng pamunuan ng San Beda.

Ang naturang kaso ay nai-raffle na sa korte at napunta kay Antipolo City RTC Branch 97 Judge Miguel Asuncion na siyang lilitis kina Erik Castillo at Boggie Yap na naunang naaresto at sinasabing nagdala kay Reglos sa ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply