Sapat na panahon hiling ng developer sa pangangalap ng dokumento

SUMULAT ngayon si Ginoong Noli Hernandez, ang senior vice president for sales and marketing ng Megaworld sa tanggapan ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa sulat ni Hernandez, hinihiling nito na ang karagdagan pang panahon sa pangangalap ng dokumento.

Ito ay matapos na atasan siya ng Senate Impeachment Court na ilabas ang mga dokumento at iba pang magpapatunay na nagkaroon ng pinsala ang kanilang ibenebentang condo unit o ang penthouse na nabili ni Chief Justice Renato Corona sa mas mababang halaga.

Humingi si Hernandez na bigyan siya ng hanggang Pebrero 10, 2012 para makalap ang mga hinihinging dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply