Sarah Geronimo excited maka-date si Gerald Anderson sa Araw ng mga Puso!

NAGANDAHAN kami run sa tsismis na tinototoo na kapuwa nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo ang relasyong pampelikula lang.

But did you know, itinanggi nilang pareho na mayroon na silang secret relationship? Nagsimula kasing matsismis ang dalawa nang aminin ng Pop Star Princess na binigyan siya ng Tiffany necklace ng young actor last Christmas.

Kasunod nito ay natsismis na spotted daw si Gerald sa labas ng dressing room ni Sarah sa ASAP 2012.

Matatandaan ding gumawa ng dalawang pelikula ang dalawa kaya hindi nakapagtatakang maging close talaga sila.

Pero sa panayam ni Gerald sa ABS-CBN, aniya, hindi sila nagkikita ni Sarah lately.

“Hindi naman. Siyempre, kung magkaroon ako ng chance, yeah, sige. But hindi, eh, kasi halos hindi kami nagkikita. Once lang kami nagkita, nu’ng isang araw lang. Text-text kami. Kinukumusta ko siya,” sabi ni Gerald.

Halos ganito rin ang statement ni Sarah.

Aniya, once lang sila nagkita ni Gerald at ito ay noong pumunta ito sa bahay nila para iabot ang Christmas gift.

Pero nang matanong si Sarah kung willing siyang maka-date si Gerald sa Valentine’s Day, sinabi ng dalaga na kung pareho silang libre, tingnan natin.

***

Career muna bago lalaki…
Kylie Padilla kinalasan na si Aljur Abrenica

MAY isa na namang binigo si Aljur Abrenica. Hindi man maingay ang balitang break na sila ni Kylie Padilla, ayan at halos aminin ng huli na nagkamali siya kay Aljur.

Naalala tuloy namin si Rich Asuncion na binigo rin ng pabling na aktor.

But this time, isang matapang na Kylie ang hinahalakhakan lang ang kanilang break-up. Ngayon daw siya nagising sa katotohanang puwede namang maghintay ang pag-ibig.

Magpapakaaktres daw muna siya kaya naman ayaw muna niyang magkaroon ng bagong lalaki sa buhay after Aljur Abrenica.

Hindi man niya sabihin nang diretso, mas lamang ang balitang hiwalay na sila ng young actor.

Itinanggi niyang may babae siyang pinagselosan kaya hindi na sila nagkikita nito.

“Selosa ako a little. Lahat naman, eh. Lahat naman sila… wala naman po pinagselosan. Parehas kami ng trabaho kaya hindi ako nagseselos,” rason ni Kylie na muling bida sa afternoon prime ng GMA na “The Good Daughter” na mapapanood na sa February 13.

Sa series, mabagsik ang stepmother niya na gagampanan ni Alicia Mayer.

Eh, anong gagawin niya ’pag ganoon ito sa tunay na buhay?

“Baka masampal ko siya! Hahaha! Eh, hindi naman. Mabait naman! Hahaha!” rason ng young actress.

Sa presscon, pinahiram ng stepmom niyang si Mariel Rodriguez ang suot niyang pink na gown.

“Wala po kaming dress at sinabi namin kay Tita Mariel, sabi niya, ‘may pink ako sa bahay. Kunin ninyo na lang.’ Sa kanya po ito,” balita ni Kylie.

Ayon pa kay Kylie, good daughter ang tawag ngayon sa kanya ng father niyang si Robin Padilla.

Tanungin na lang daw ang Papa niya kung gaano siya kabait bilang anak.

Pero sinunod ba niya ang payo ng ama na unahin muna ang career bago ang lalaki?

“Naisip ko na po ’yon. Kasi medyo naramdaman ko naman na medyo nawala ako sa focus. Inaamin ko naman ’yon. So, ngayon, focused na ulit,” deklara ni Kylie.

Nakakawala ba ng focus ang mga lalaki?

“Hahaha! Hindi lang po ’yon! Siyempre, may problema rin sa ibang bagay,” dagdag niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply