SARO ng mga kongresista ipinatatanggal

HINILING ni Isabela Rep. Rodolfo Albano kay Budget Secretary Florencio Abad ang agarang pagpapatanggal sa Department of Budget and Management (BDM) sa Special Allotment Release Order (SARO) ng mga  kongresista upang mapabilis ang pagpapatupad ng proyektong imprastruktura sa kani-kanilang distrito.

Ayon kay Albano, sinabi ni Abad nitong January 26, 2012 na simula ng taong ito ay tatanggalin na ng DBM ang SAROs at Agency Budget Matrices (ABMs) na nagbibigay ng awtorisasyon sa pagrelis ng pondo ng gobyerno para sa departamento at ahensya ng gobyerno.

“We hope the DBM would do away with the SAROs much earlier than 2013 so there will be no more delays in our district projects starting this year. We are in favor of removing the SARO so that projects covered by the Priority Development Assistance Fund (PDAF) will immediately be implemented and the barangays will be improved,” ani  Albano.

Sinabi ni Albano na isang miyembro ng committee on appropriations at dating House Minority Leader, umaabot sa anim hanggang pitong buwan bago mairelis ang Notice of Cash Allotment (NCA) bago ilabas ang SARO ng mga mambabatas.

Tulad aniya na ang NCA para sa kanyang proyekto sa kanyang distrito ay inirelis lamang noong nakaraang mga araw nang maisumite ang kanyang proyekto sa DBM noong nakaraang Nobyembre.

Nakikitang dahilan ng pagkaantala ng mga proyekto ng mga kongresista sa kanilang distrito ay ang pagkakaantala ng pagpapalabas ng SARO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply