Sastre todas sa senglot na kapitbahay

TODAS ang isang sastre nang pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay sa Caloocan City kagabi, Pebrero 4.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Wilfredo Fuentes, 56 ng PamaSawata, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Joey Gallo, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong 9:30 ng gabi, lasing ang suspek at inaaway ang biktima sa nasabing lugar.

Matapos ay nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima kung saan nang makita ng mga anak ni Fuentes ang pangyayari ay agad na sumaklolo sa ama.

Nagawa pang masaksak ng anak ng babae sa likod ang suspek subalit nakatakas pa rin.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply