Saudi Police Clearance kailangan ng pauwing OFW

NAGPAALALA ang embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na kumuha na ng Saudi Police Clearance bago umalis o kung matatapos na ang kanilang kontrata roon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh, ang police clearance ay isa sa mga hinihinging dokumento sa sinumang nagnanais magtrabaho at manirahan sa ibang bansa.

Kung ang Pilipino ay nasa Saudi Arabia pa, maaari siyang kumuha ng letter of endorsement sa embahada ng Pilipinas upang ipakita sa Saudi Police.

Kailangan din ipakita ang kopya ng pasaporte o iqama (residence permit) at magbayad ng Saudi Riyal 100.00 o P1,140.41.

“Dadalihin ang letter of endorsement sa Saudi Ministry of Foreign Affairs para sa authentication at ipakikita ang LOE sa mga awtoridad ng pulisya para mapagkalooban ng police clearance,ayon sa embahada.

Sa mga nakaalis na ng Saudi, ang proseso ay mas matagal at aabutin ng dalawa hanggang tatlong buwan pagkatanggap ng mga dokumento at bayad.

Sa mga ganitong kaso, kailangan maghain ng request letter sa Philippine Embassy at ilahad ang dahilan ng pagkuha ng Police Clearance at ibigay ang e-mail address kung mayroon man. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply