Sayang

MISYON AKSYON, sana matulungan po ninyo ako sa aking masaklap na sinapit sa kamay ng kapulisan at pulitko sa bayan namin. Ako po ay isang station manager ng DYRX 107.2 sa bayan ng Toledo, Cebu Maraming pangyayari sa ating buhay na pinanghihinayangan natin. ‘Ika nga sa awit ni Regine Velasquez “KUNG MAIBABALIK
KO LANG.”

Nanghihinayang tayo sa sayang na pagmamahal ng tao na nawala dahil hindi mo binigyan ng halaga o kaya naman ay ma-gandang pagkakataon na nasayang natin dahil sa mga maling desisyon. Ang problema ay maski buong araw nating panghihinayangan ang isang tao o bagay ay maaaring hindi na tayo magkaroon ng panibagong pagkakataon.

Isang naging paboritong pelikula ng ating henerasyon ang “ICE CASTLES.” Sa mga nakapanood dito ay matatandaan natin ang theme song na inawit ni Melissa Manchester, ang sikat ng na “LOOKING THROUGH THE EYES OF LOVE.”

Naalala ko ang pelikulang ito na pinagbidahan ni Robby Benson. Umikot ang istorya sa isang dalagang ice skater. Mahusay ang ice skater kaya naman marami ang nais kumuha sa kanya na coaches at trainers. May pag-aalinlangan ng ama ng dalaga sa maaring marating ng anak na tagumpay sa ice skating dahil natatakot itong masaktan kung sakaling gumuho ang mga pangarap ng kanyang anak.

Nangyari nga ang kinatatakutan ng ama. Sa pagsikat ng dalaga sa sports na ice skating ay dumami ang temptasyon sa kan-yang buhay, nakalimot sa boyfriend niya at sa isang eksena habang nag-a-ice skating siya ay nagkaroon siya ng “freak accident” na ikinabulag niya.

Gumuho ang mga pangarap ng dalaga. Iniwan siya ng kanyang coach, nawala ang mga tagahanga at naging isang miserableng laos at bulag na siya.

Ngunit ang minsang niloko niya na boyfriend ay hindi sumuko. Sa tulong ng ama ng dalaga ay inakay ulit siya at nag-training. Mahirap ang dinanas ng dalaga at sa ending ng pelikula ay matagumpay siyang nakabalik sa ice skating rink at nakamit muli ang tagumpay bilang bulag.

Ang kwento ng “Ice Castles” ay halimbawa ng “second chance: o isa muling pagkakataon. Marahil mas mahirap ang pagdaraanan ngunit mas matamis naman ang kasiyahang makakamtan.

Sa buhay ay natural lamang na sa una ay manghinayang tayo sa nawalang tao, bagay o pagkakataon. Pero hindi tayo dapat tumigil sa pagsasabing “SAYANG.” Hanapin natin ang “SOLUSYON” para magkaroon tayo ng “second chance” o kung sablay pa rin sa pangalawa, maaring sa pangatlo o pang apat. Kailangan ay huwag tayong sumuko na makuha muli ang nawala sa atin.

Hindi na muling babalik ang kahapon na pinanghinayangan natin. Hindi man natin kayang ibalik at mabago ang nakaraan ay maari nating balikan muli at magsimula ng panibagong bukas. At katulad ng “Ice Castles”, nag-tagumpay siya muli sa kanyang second chance.

* * * * *

Happy birthday kina Mitch Sichon ng Kaunlaran, at Brod Jun Agustin ng Roxas.

Gayundin kina Chino Bautista at Zeth Alcid ng Teacher’s Village East, Quezon City. God Bless!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply